• Call us: (078)304-1010
  • isapmcnp@gmail.com

I Love OPM: Pagbuhay ng mga Agila sa mga Awiting Sariling Atin

Search Courses

Muling binuhay ng mga talentadong agila ang mga puso at diwa ng mga mag-aaral sa institusyon ng MCNP-ISAP sa isang kompetisyon na naganap sa bulwagan ng naturang institusyon.
Ang patimpalak ay naganap noong ika-dalawampu’t anim ng Agosto taong dalawang libo’t labing anim sa ganap na alas tres ng hapon. Ang aktibidad ay parte ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika na kung saan ang mga agila ay nagpadama ng kanilang pagmamahal sa mga awiting bayan at mga awiting nakagisnan.
Labanan ng boses at talento. Ang kompetisyon ay tinawag na “I Love OPM” na kung saan ang mga kalahok ay inanyayahang umawit ng mga awiting bayan. Mga awiting produkto rin ng mga matatalinong mang-aawit mula sa ating bansa. Ang kompetisyon ay binuo ng anim na koponan; Pula, Asul, Dilaw, Puti, Rosas, at Berde. Ang bawat koponan ay naatasang magkaroon ng tatlong kalahok o mang-aawit. Ipinamalas ng koponan ng Berde ang natatanging galing sa pagbirit nang inawit nila ang kantang “Bitwing Walang Ning-ning.” Ang kanilang pagbirit ang isa sa mga dahilan sa kanilang pagkakaluklok sa ikatlong puwesto. Hindi naman nagpahuli ang koponan ng Dilaw na nagkamit sa ikalawang puwesto. Inawit nila ang awiting “Inang Bayan.” Ipinamalas nila ang lamig ng kanilang mga boses na siyang naging pinto upang mapabilang sila sa linya ng mga nagsipagwagi. Sa kabilang dako, hindi naman nagpatinag ang husay ng koponan ng Asul. Kanila namang inawit ang mga awiting “Mister Kupido” at “Katawan.”

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *