• Call us: (078)304-1010
  • isapmcnp@gmail.com

Dagliang Talumpati: Isang Pagkilala sa Karunungang Tatak MCNP-ISAP

Search Courses

Ang patimpalak sa dagliang talumpati ay hindi maiwawaglit tuwing ipinagdiriwang ng mga magigiting na Agila ang Buwan ng Wika. Sa katatapos na selebrasyon noong ika26 ng Agosto 2016 sa ganap na alas tres ng hapon sa bulwagan ng MCNP-ISAP, muli na namang napatunayan ang natatanging talino ng mga Agila sa pamamagitan ng patimpalak na ito.

Ang nasabing paligsahan ay nilahukan ng mga kinatawan mula sa Koponan ng Dilaw, Asul, Berde, Puti, Pula, at Rosas. Lahat ng mga kalahok ay naatasang magsuot ng Barong o Filipiñana sa araw ng kompetisyon.

Isa-isang tinawag ang mga mananalumpati sa gitna ng entablado kung saan sinubok ang talas ng kanilang isipan. Sa bawat katanungan, isang minuto ang inilaan para sa pag-iisip ng mga kalahok. Limang minuto naman ang ibinigay para sa pagpapahayag ng kanilang mga ideya. Matapos ang kamangha-manghang paglalahad ng mga ideya at kuro-kuro, ang kalahok mula sa koponan ng Rosas
(Senior High) ang nag-uwi ng tropeyo bilang kampeon sa dagliang talumpati. Sumusunod naman sa ikalawang pwesto ang kalahok mula sa koponan ng Dilaw (BSMLS, BSPT) at ang nagkamit ng ikatlong gantimpala ay mula sa koponan ng Puti (BSBA, BSAc, CA, IT-COE, TVET).

Samantala, ayon naman kay Ginoong Wilfred Tugade, kalahok mula sa koponan ng Pula, “Tanggapin ng buong puso ang resulta, ang mahalaga ay naging masaya ka sa pagsali. ” Kanya pang idinagdag “Napatunayan ko rin na importante ang wika sa ating ekonomiya lalo na kapag nagamit ito sa mabuting pamamaraan at maari ring maging daan tungo sa kaunlaran.”

Tunay ngang ang mga Agila ay may natatanging tatak ng karunungan na kanilang magiging pagkakakilanlan sa buong mundo. Hindi man lahat ay nagawaran ng gantimpala, ang pagmamahal sa ating wika bilang wikang karunungan ang siyang ating tropeyo na ating dadalhin habambuhay.

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *